PHILIPPINES - As a fur daddy with two dogs, plus other cats and dogs owned by my family at home, hindi talaga maiiwasan na minsan makalmot or makagat tayo ng sarili nating fur babies.
To be honest, suki na ako ng Barangay Health Center Animal Bite Treatment Center dito sa area namin, or minsan sa San Lazaro Hospital.
Nagtitiis akong pumunta nang maaga at pumila kasi aminin natin — hangga't may libre, go dapat tayo! Hehehe. I mean, medyo mahal din kasi sa private clinics ang magpa-anti-rabies vaccine, tapos ilang beses ka pang babalik for the succeeding doses. Agoy, diba?!
Last week, habang nagpapakain ako ng pets (kasama na rin ang ibang pets ng family ko), pinalabas ko ang fur baby kong si Soju sa garahe.
Si Soju kasi, after kumain, gusto niyang makipaglaro sa akin. So iyon na nga, nagtatakbo siya at biglang nag-jump towards me. Eh hindi ako nakatingin that time, kaya ayun, bahagyang bumaon ang ngipin niya at nakalmot niya rin ako sa left leg ko. Ouch!
Ang problema, Saturday night nangyari. Walang pasok sa health center, at sarado rin ang ilang private animal bite centers, kaya kailangan ko pang maghanap ng alternative kung saan ako puwedeng magpa-anti-rabies vaccine.
